Aminado ang Vivamax bombshell na si Angela Morena na talagang palaban pa rin siya pagdating sa mga sizzling at daring scenes lalo ngayong may dalawang bagong sexy-drama movies sa Vivamax ngayong love month – ang “Kabit” at “Salisihan”.
Isang pelikula mula kay Lawrence Fajardo, bibida sa “Kabit” sina Dyessa Garcia, Victor Relosa, Josef Elizalde at Angela Morena kung saan kuwento ito ng isang aspiring actress na nangangarap ng stardom pero sa pag-abot niya nito ay mawawalan ng hangganan kung ano pa ba ang trabaho sa pananamantala at tuluyan nitong sisirain ang kanilang dignidad, respeto sa sarili at reputasyon.
Si Angela ay gaganap bilang si Laura sa isang theatre play kung saan isa siyang aspiring actress at tinanggap niya ang role na ito sa play para magrebelde sa kanyang controlling na ina.
Pero sa kanilang pagkadismaya, flop agad ang play kahit sa initial preview pa lamang nito.
Walang ibang magagawa ang kumpanya at production team kundi ayusin ang materyal na mayroon sila para maisalba ang pinagtrabahuhan nila.
Dahil dito, magiging desperado ang lahat at ang direktor ng play ay uudyukan si Laura para mas lumabas ang kanilang kahinaan at mga galit, ang mga emosyon na dapat maipakita sa stage.
Samantala, napatunayan naman ni Angela at ng iba pang cast members ng movie na napakahirap ng ginagawa ng mga theatre actors.
Kung tutuusin mas matindi ang hirap at sakripisyo ang nararanasan ng mga artista sa teatro dahil bukod sa live ang kanilang palabas at walang cut, madugo rin ang ginagawa nilang paghahanda.
Kaya ayon kay Angela, mas tumaas pa ang paghanga at respeto niya sa mga theater actors.