Aminado ang aktres na si Andrea Torres na kahit game siya sa pakikipag-date sa mga lalaking inirereto sa kanya ng mga kaibigan ay hindi pa rin siya pumipili at wala pa rin umano siyang pinipili.
Nilinaw rin ng dalaga na hindi naman araw-araw at sunud-sunod ang kanyang paglabas sa mga guy na ipinakikilala sa kanya ng mga friends para maging dyowa.
Ayon kay Andrea, single pa rin siya hanggang ngayon at matagal-tagal na rin siyang bumalik sa “dating scene” pero parang wala pa talaga siyang napupusuan sa mga lalaking naka-date niya.
Sa isang panayam, sinagot ni Andrea ang mga katanungan kaugnay sa kanyang dating life.
“Yes. Actually, matagal-tagal na rin. Hindi kasi ako ‘yung maya’t maya, medyo may gap talaga,” saad ng dalaga at dagdag niya, nagiging kaibigan na rin daw niya ang mga guys na naka-date niya.
“Lumalawak ang mundo ko, and ngayon din na nagta-travel ako, nakakatuwa kasi siyempre parang nakaka-meet ka ng iba-ibang klaseng tao, tapos nalalaman mo ‘yung buhay nila. Ine-enjoy ko lang talaga. Ganu’n pa rin naman, single, pero happy and nag-e-enjoy, nag-e-explore ng buhay,” sabi ni Andrea.
Dagdag pa niya, hindi niya feel ang long distance relationship o LDR dahil sa tingin niya hindi ito para sa kanya ngunit ayaw din niyang magsalita nang tapos dahil baka kainin din niya sa bandang huli.
Hiling rin ni Andrea na sana raw ay makatagpo siya ng lalaking susuportahan ang kanyang mga plano at pangarap sa buhay
“Ideally talaga, makakita ka ng tao na ipu-push ka rin sa pangarap mo, hindi ka ii-stop sa mga gusto mong marating pa sa buhay,” sabi ng dalaga.