Inamin ng social media personality at vlogger na si Zeinab Harake na talagang nastarstruck siya sa kanyang pagbisita sa Buscalan kung saan na-meet niya si Apo Whang-Od, ang pinakamatandang mambabatok at nagmula sa Butbut tribe.
Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ni Zeinab ang masaya niyang paglalakbay sa Buscalan.
“Dati lagi kong sinasabi na ang goal ko talaga bago ako mag-30, gusto kong mag-full sleeve na tattoo. Nanghihinayang ‘yung ibang tao sa balat pero hindi n’yo nage-gets na it’s an art. Depende ‘yan sa tao kung ano ‘yung gusto nilang gawin sa body nila. Naa-amaze ako sa ganito, ‘yung punung-puno ng tattoo. Kaya pansin n’yo, nainlove ako kay Daddy Ray kasi puno siya ng tattoo,” sabi ni Zeinab.
Nagdesisyon siya na magpa-tattoo sa taas ng kanyang tiger tattoo para daw pasabog.
“Kinakabahan ako kasi forever ‘yan e. Tattoo ng nag-iisang Whang-Od ‘yan. Dapat pasabog,” sabi ni Zeinab. “Napapanood ko lang siya sa maraming videos tapos ngayon nasa video ko na siya.”
Ibinandera rin niya ang larawan nilang magkasama sa Instagram.
“Finally with one and only Apo Whang Od,” saad ni Zeinab sa caption.