Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes na sinisiguro niyang makakarating ang tulong ng gobyerno sa mga residente sa Surigao del Sur at Surigao del Norte na apektado ng malawakang pagbaha.
Sa situational briefing na pinangunahan ng Presidente sa Surigao del Sur, binigyang-diin ng Pangulo na kailangang tutukan ang pangangailangan ng ating mga kababayan partikular na may sapat na tubig, pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.
Tiniyak din niya na mayroon na umanong mga hakbang ng ginagawa ang pamahalaan sa mga kababayan natin duon sa Caraga region.
Dagdag pa ng Pangulo, pinakikilos na niya ang Department of Public Works and Highways upang ayusin na ang mga nasirang mga infrastructures sa rehiyon at magsagawa ng structural assessment partikular duon sa eartquake-striken PAGASA building.
Inatasan din ng Pangulo si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tulungan ang mga magsasaka sa rehiyon na lubhang nasira ang kanilang mga pananim dahil sa malawakang pagbaha.
Inihayag naman ni Health Secretary Ted Herbosa na namahagi na rin sila ng mga gamot partikular duon para maiwasan na magkaroon ng outbreak sa waterborne diseases.
Nakatanggap naman ng pinansiyal na tulong mula sa Pangulo ang mga local government units sa Surigao del Sur at Norte.
Namahagi din ng tulong ang Pangulo sa mga magsasaka sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Samantala, binigyan din ng briefing si Marcos hinggil sa construction progress ng Agusan del Sur State of the Art Soils Laboratory na may lawak na 1,687 square meters na mayruong advanced analytical capabilities at ang nasabing inisyatibo ay mayruong investment na P540 million.
Sa ibang balita, natapos na ng United States Marine Corps ang paghahatid nito ng mga relief packs sa mga kababayan nating apektado ng kalamidad sa Davao de Oro bilang bahagi ng kanilang pagtulong sa humanitarian and disaster relief operations ng kasundaluhan sa ating mga kababayan.
Gamit ang dalawang KC-130J “Super Hercules” cargo aircraft ng US Marine Corps ay nakumpleto na nito ang paghahatid ng nasa mahigit 15,000 family food packs para sa mga apektado ng landslide sa naturang lalawigan.
Sa isang statement sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad na ang presensya ng allied forces ng ating bansa ay nagresulta ng pag-asa at suporta sa mga Pilipinong apektado ng naturang kalamidad.
Ito rin aniya ay sumasalamin sa mas matibay na samahan at ugnayan sa Pilipinas at Estados Unidos partikular na sa mga ganitong uri ng pagkakataon.