Inihayag ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict na temporary setback lamang umano ang iginawad na temporary protection order ng Korte Suprema sa mga aktibista na sina Jhed Tamano at Jhonila Castro.
Kung matatandaan, pinagbigyan ng Supreme Court ang petisyon ng dalawa na Writ of Amparo at Habeas Data laban sa ilang miyembro ng Philippine Army, NTF-ELCAC, at NSA Jonathan Malaya.
Ayon sa Legal Cooperation Cluster ng NTF-ELCAC, ang desisyon na ito ng Korte Suprema ay bahagi lamang ng due process ng batas ngunit hindi aniya ito nangangahulugan na tapos na ang naturang kaso.
Sabi ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr., nakahanda sila na ipresenta ang kanilang nang may kaakibat na incontrovertible evidences hinggil sa naturang kaso.
Matatandaang kasabay ng paggawad ng Korte Suprema sa petisyon ni na Castro at Tamano ay ipinag-utos din nito sa Court of Appeals na magsagwa ng mga kaukulang pagdinig ukol ito bagay na isang oportunidad namang nakikita ng NTF-ELCAC para sa gobyerno at public officers na pawang inakusahan ng dalawa.
Samantala, kaugnay nito ay tiniyak naman ng naturang Task Force na susunod ito sa lahat ng kanilang legal obligations kasabay ng pagtiyak na haharapin nila ang mga magiging development dito habang nananatiling committed sa pagsasabi ng katotohanan sa court of law at pagdepensa sa kung ano ang tama.