Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na target ng kanyang administrasyon na makumpleto ang pamamahagi ng titulo ng mga lupa sa mga agrarian reform beneficiaries bago ang taong 2028.
Sinabi ng Pangulo ang pahayag matapos mamahagi ng nasa 3,184 land titles sa mga agrarian reform beneficiaries mula sa Agusan del Sur, probinsiya ng Agusan del Norte, Dinagat Isalnds at Surigao del Sur.
Ayon pa kay Marcos, layunin nitong matapos ang pamamahagi ng lupa na saklaw ng Agrarian Reform Program bago matapos ang kaniyang termino na bahagi ng kaniyang commitment na palayain ang mga magsasaka mula sa gutom, kahirapan at utang.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang paglagda nito Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act na nagpapalaya sa 600,000 agrarian reform beneficiaries mula sa pagkakautang.
Dagdag niya, tama lamang na suklian ang pagod ng ating mga magsasaka para umayos ang kanilang pamumuhay.