Aminado ang aktres at sexy vlogger na si Ivana Alawi na suportado niya ang mga ipinaglalaban ng mga drayber sa nakaambang jeppney phaseout sa bansa.
Isang video ang ibinahagi ng Panday Sining PUP sa kanilang Facebook page nitong February 13 kung saan makikita ang dalaga na nakasakay sa harap ng jeep katabi ang driver.
May pasaherong nagtanong kay Ivana kung ano ang kanyang masasabi ukol sa nalalapit na pagpe-phaseout ng tradisyunal na jeepney.
“Ano pong masasabi n’yo sa jeepney phaseout? Support po ba kayo?” tanong ng kapwa pasahero sa aktres.
“Ako, support ako sa mga drivers, kaya nga tayo nandito [at nakasakay sa jeep] e,” sagot ni Ivana.
Aliw naman ang mga kapwa pasahero sa likod ng jeep sa naging tugon ng sexy actress.
“Tama! Mother!” sabi ng mga pasahero kay Ivana.
Hati naman ang naging komento ng netizens hinggil sa usaping jeepney phaseout.