Isang Pilipinong bus driver sa Croatia ang kinilala ng pamahalaan doon matapos ipamalas ang kanyang kabayanihan sa pagliligtas niya sa kaniyang mga pasahero na mga batang estudyante nang masunog ang kanilang sasakyan.
Ayon sa mga ulat, ipinagkaloob ng alkalde sa Velika Gorica ang pagkilala sa Pinoy na si Bienvenido Alivio matapos ang kanyang ginawang kabayanihan.
Sa imbestigasyon, lumalabas na matapos mailigtas ni Alivio ang mga bata, tinangka pa niyang apulahin ang sunog sa loob ng bus.
Ipinagmamalaki rin ng kumpanya ng bus na empleyado nila si Alivio.
Ipaliwanag ng kompanya na ang pagkasira ng tubo na dinaluyan ng gasolina ang naging dahilan ng sunog.
Sa pagtanggap niya ng pagkilala, sinabi ni Alivio sa isang YT video na maliit na bagay lang ang kaniyang ginawa kumpara sa pagkakataong ibinigay sa kaniya ng Croatia na matupad ang pangarap niyang makarating sa Europa at maging bus driver.