Hindi maikakailang isang blessing ang natanggap ng aktres na si Maris Racal sa “unwitting” loveteam nila ni Anthony Jennings at ayon sa dalawa ay may suwerte umanong hatid sa mga tao “poo-poo”.
Batay kasi sa mga matatandang pamahiin, sinasabing may dalang magandang balita kapag nanaginip ka ng dumi ng tao. Maraming pera o blessing daw ang ibig ipakahulugan nito.
Kaya naman marami ang nagsasabi na dahil sa nakakalokang eksena nina Maris at Anthony sa Kapamilya romcom series na “Can’t Buy Me Love” kung saan nakatapak nga ng “poop” ang aktres, ay biglang sumikat ang kanilang tambalan.
Ayon kay Anthony, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na napakarami na ring fans at followers ng tandem nila ni Maris na SnoopRene, ang pinagsamang pangalan ng mga karakter nila sa “Can’t Buy Me Love” na Snoop at Irene.
Kaya naman abot-langit ang pasasalamat nina Anthony at Maris sa lahat ng manonood na talagang nag-aabang sa mga bardagulan scenes nila sa seryeng pinagbibidahan din nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
“Thankful ako na tinatanggap siya ng mga tao and ayun mahal pa rin nila characters namin, yung tandem namin. Kinikilig pa,” saad ni Anthony.