Kalat na kalat na ngayon sa social media ang isang video kung saan marami ang nagpakuha ng litrato at nagpa-selfie anmg fans kasama si Daniel Padilla.
Marami ang nag-react sa video na iyon dahil ang feeling ng netizens ay parang napilitan lang si Daniel na magpa-photo kasama ang fans. Pati ang ngiti nito ay pinintasan, wala daw sincerity at kulang na lang ay sabihin nitong tapusin na ang selfie moment with him.
Sa isang entertainment Instagram account kung saan lumabas ang short video, binatikos nang husto si Daniel.
“Bakit ganun parang ang fake ng ngiti nia pag magpa picture, totoo kaya kwento ni Cristy Fermin.”
“parang napipilitan nga,.di aq fan Ng kathniel,pero sa reaction Ng face nya parang Iwan.”
“Bakit ang suplado yata niya.naka shade kasi pero halatang pilit.”
“Suplado naman talaga tignan eh …fake smile. Lumalabas na totoong ugali. This what you call ungrateful & hypocrite.”
“May pg ka mayabang ata sya haha dapat humble lang lalo sa mga fans.. Ang alam ko before hindi sya ganyan sa mga fans nya nagbago towards em, pero sana hindi ganyan ka pilit juz saying!”
Yan ang hansah ng netizens. Per may mga nagtanggol naman sa Kapamilya actor.
“Normal yan sa knya ganyan ngiti ganun lang talga syempre dumaan sya sa lows dmu pa yan mapapangiti ng sobra.”
“Di naman fake, alam naman natin may pinagdadaanan yan. Pero dahil sa work nya need nya pa din maging present physically. May feelings din po sila.”
“Diyos ko po pati ba naman smile nya sa pag pa pic. Lahat lahat napapansin. Ganun naman sya lagi eh di pa nasanay baguhan lang teh???”
“MGA TAO NGA NAMAN WALANG MAGAWA SA BUHAY PATI PAG NGITI NG TAO NAPAPANSIN! SHUT UP NALANG SANA KESA KUNG ANO ANO PA SINASABI NYO.”
***
Kilig na kilig ang fans ng It’s Showtime host na si Kim Chiu nang mag-post ito ng 20-seconder video na kuha sa taping nila ni Paulo Avelino ng What’s Wrong With Secretary Kim.
Talagang may shipping na sa dalawa na unang nagsama sa Linlang na may TV version na. actually, love na love sila ng fans at ang collective wish nila ay silang dalawa ang magkatuluyan sa tunay na buhay. Talagang rooting for them ang fans na ang wish ay mauwi sa totohanan ang kanilang hindi inaasahang love team.
“cannot wait , gusto kong magcall off sick sa hosp duty para panoorin lang ung teaser ng paulit ulit, nakakakadik kau kimpau, since last quarter of 2023 kulang na tulog namin dahil sa inyo, not complaining though, gusto pa nga nami ng more , love u both from 🇬🇧 @pauavelino @chinitaprincess, thank u @viuphilippines,” say ng isang fan.
“Halata na kayo na char! Gumagwapo lalo si pau ngayon ah, pala ngiti na rin sya.. iba talaga ang isang Kim Chiu kay kimmy lang sya ganyan kasaya,” obserbasyon naman ng isang supporter.
“Heto yung chemistry na ang tagal mong hinintay! You both really have great chemistry and both of you have a resemblance,” say ng isa pang faney.
Valentine’s Day kahapon at nabaliw ang KimXi fans nang umabas ang ilang photos ni Xian Lim kasama ang sinasabing bagong girlfriend nito na si Iris Lee.
Sa ilang photos ay makikita ang dalawa na kasama ang ilang kaibigan ni Iris at mukhang enjoy sila sa company ng isa’t isa.
Marami ang nag-react sa photos na kumalat sa social media, most of them bashing Xian.
“Sakit nito kay Kim. Valentine’s day pa naman. Pero honestly for me lang ha mukhang ginamit lang talaga ni Xian si Kim. Mukhang si Kim lang ang nagmamahal.”
“Goodbye showbiz for Xian. Tapos naman na ang career niya.”
“Napaka user talaga ni Xian. Nung nobody siya sa showbiz, kumapit ng todo ke Kim. Now, dito naman sa rich producer ng Viva. Secured na future ni Xian.”
“I think mas nagmahal si Kim sa kanya kesa the other way. It seems Xian took the chance na ligawan and i-gf tong si Kim para maging stable career niya noong panahong down na down si Kim sa x niya…May paka user din si guy…mag pakilig messages pa siya sa KrisTv… yun naman pala di kayang panindigan.”