Iniimbestigahan ng mga pulis sa Peru ang isang babaeng inakusahan ng pagputol ng ari ng kanyang kinakasama gamit ang kutsilyo sa kusina habang siya ay tulog sa kalasingan.
“Hinihintay namin ang mga resulta ng pagsisiyasat upang matukoy ang motibo at mga pangyayari,” sinabi ni Darinka Lossio, isang tagausig sa lungsod ng Chota sa hilagang Peru, sa Agence France-Presse.
Inulat ng lokal na media na ang 39-taong-gulang na babae ay nakipagtalo sa kanyang kinakasama matapos itong umuwi na lasing, sa paniniwalang siya ay nagtaksil. Nangyari umano ang pag-atake matapos siyang makatulog.
“Nagkaroon siya ng traumatic amputation, nabigyan siya ng medikal na pangangalaga at tatanggap ng psychiatric support,” sinabi ng isang source na medic sa AFP.
Sinabi ng piskal na nanatiling malaya ang babae, habang inaalagaan niya ang tatlong buwang gulang na sanggol niya.
“Nagalit kami, gusto namin ng hustisya. Naputol ang ari ng pamangkin ko,” sabi ng tiyuhin ng biktima sa lokal na media.