Inihayag ng Department of Agriculture na may sapat na suplay ng bigas, mais, asukal, karnenong baboy, manok at iba pang mga pangunahing pangangailangan sa mga susunod na buwan sa kabila ng nararanasang tagtuyot na nakaka-apekto sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iprinisinta na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu kay Pangulong Ferdinand Marcos sa ginanap na sectoral meeting ang supply outlook ng bansa at kung ano ang mga hakbang na ipatutupad ng ahensiya.
Ayon pa kay Tiu, stable ang suplay ng mga basic commodities at walang magiging problema sa susunod na buwan sa kabila ng mararanasang El Niño.
Batay sa Rice Supply and Demand Outlook for 2024, ang suplay ng bigas sa bansa ay magiging stable hanggang sa katapusan ng taon na may taunang average na surplus na 3.7 milyong metriko tonelada o 99 na araw ng buffer.
Sapat din ang suplay ng mais, itlog, sibuyas, asukal at isda.
Binigyang-diin ni Navarro na mahalaga matiyak na may sapat na suplay ng bigas dahil kung magkakaroon ng kakulangan magreresulta ito sa pagtaas ng presyo.
Para sa opisyal mas mainam na ang presyo ng bigas ay nasa P56 per kilo imbes na walang suplay ng bigas sa P42 kada kilo.
Mahigpit na pinatutukan ng Pangulo ang mga hakbang para ma mitigate ang epekto ng El Niño.
Kabilang dito ang mahigpit na monitoring sa production status ng mga commodities.
Ang DA ay nagtatayo rin ng mas maraming cold storage facility at bodega upang palakasin ang post harvest facility at cold examination facility para mapahusay ang mga kontrol sa hangganan.