Pinakawalan na ang Department of Budget and Management ang pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Program para sa unang kwarter ng 2024 para suportahan ang rice program ng Department of Agriculture.
Kasunod ito nang pag-apruba ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang P455.59 million na pondo na ibinigay sa DA at 3 iba pang government-owned and controlled Corporations na tutustos sa pangangailangan sa operasyon ng RCEP.
Sa ilalim ng programa, matutulungan nito ang mga local rice farmer na mapaganda pa ang kanilang produksiyon ng bigas at competitiveness gayundin para mapataas ang kanilang income sa pamamagitan ng mas pinagandang farm machinery at equipment, rice seed development, propagation, at promotion, pagpapalawig ng rice credit assistance, at iba pang serbisyo para sa mga magsasaka.
Samantala, inihayag naman ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ipagpapatuloy nila ang pagsuporta sa mga programa na nagpapalakas sa lokal na produksiyon ng pangunahing mga produktong pang-agrikultura kabilang na ang bigas na mahalagang pagkain sa haos bawat pamilyang Pilipino.