Hanggang ngayon ay nagiging sentro ng tuksuhan ang aktres na si Kim Chiu at nitong nakaraan nga ay nasa hot seat na naman siya sa isang episode ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
Sa segment na “Expecially For You”, napag-usapan ang pagiging single ng dalaga dahil isang searchee kasi ang pinapayuhan ni Vice Ganda tungkol sa kanyang lovelife at sinabihang ipagdasal kung talagang gustung-gusto na nitong makahanap ng bagong dyowa.
Ang advice naman ng isa pang host ng show na si Amy Perez, na ilista ang mga qualities na hinahanap sa isang lalaki at ipagdasal ito sa Panginoon Diyos.
“Huwag mahihiya humingi ng kahit ano kay Lord,” ang hirit pa ni Vice.
Kasunod nito, binalingan ng isa pang host ng “Showtime” na si Vhong Navarro si Kim na astang aalis ng stage at nag-dialogue ng, “Kim saan ka pupunta?”
“Pray lang ako!” sagot naman ng dalaga na siyang pinagsimulan ng tuksuhan.
“Pray tayo with Kim!” sabi naman ni Vice.
Umasta uling aalis si Kim sa stage pero hinabol siya ng kanyang mga co-host sabay itinaas ang mga kamay para ipag-pray over si Kim.
Kinantahan pa siya ni Vice ng “Ang buhay ng isang single ay masayang tunay! Uy, pero serious yun, ha? May the Lord give what your heart desires.”
Sagot naman ni Kim na halatang nahihiya na sa takbo ng tuksuhan, “Salamat. Ang layo ng narating! Pero salamat.”
Sabi naman ni Vhong sa kanya, “Nandito lang kami.” Na sinagot ng aktres ng, “In time” na ang tinutukoy ay ang kanyang lovelife.
Dito na kinausap ni Kim ang searchee at sinabihan ng, “Nicole, alis ka nga diyan” na ikinahagalpak talaga ni Vice. Willing daw kasi si Kim na maging searchee sa nasabing segment ng “It’s Showtime”.