Isang tao ang namatay at limang iba pa ang nasugatan sa pamamaril sa isang istasyon ng subway sa New York nitong Lunes ng hapon.
Anim na tao ang dinala sa ospital pagkaraan ng alas-4:30 ng hapon, sinabi ng kagawaran ng bumbero.
“Naniniwala kami na ang pamamaril na ito ay nagmumula sa isang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo na nagsimula sa isang tren,” sabi ng police transit chief ng lungsod na si Michael Kemper, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.
“Sa kasamaang palad isa sa mga biktima, isang 34-anyos (lalaki), ay binawian ng buhay,” aniya
Nangyari ang pamamaril sa istasyon sa Mount Eden Avenue sa hilagang borough ng Bronx, 14 kilometro sa hilaga ng Times Square ng Manhattan, ayon sa AFP.
Nasa pinangyarihan ang mga pulis at ahente ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives o ATF na naghahanap ng fingerprint sa crime scene.
Karaniwan ang mga pamamaril sa Estados Unidos, kung saan mas maraming baril kaysa sa mga tao at humigit-kumulang sangkatlo ng mga nasa hustong gulang ang nagmamay-ari ng baril.