Aminado ang aktres na si Xyriel Manabat na nakaranas siya ng depresyon at anxiety simula pa noong 12 years old siya at ayon sa dalaga, nagsimula umano ito nang magdesisyon siyang iwan ang mundo ng showbiz upang pagtuunan ang personal life pati na ang kanyang pag-aaral.
“May times na sobrang lala, as in! Hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko, literal na may uncontrolled incidents na bigla-biglang nandiyan ‘yung hindi ko alam. nagbibilang lang ako ng fries, umiiyak na ako,” saad ng dalaga sa isang panayam.
Naging mahirap din para sa pamilya ni Xyriel ang kanyang sitwasyon.
“Natutulog na kami sa sala kasi, hindi kami pwedeng matulog na hiwa-hiwalay na room. Kasi nga bigla-bigla akong nati-trigger nang hindi namin alam lahat. And first time siguro sa family ko ‘yun kaya hindi rin nila alam kung paano i-handle properly. Nagiging tensiyonado kami lahat kasi hindi namin maintindihan at all. May times na nagkakaaway kami to the point na hindi na namin natutulungan ‘yung isa’t isa, naging sobrang toxic ng household. Kaya kinailangan ko nang mag-meds, kailangan ko nang mag-seek ng professional help,” saad ni Xyriel.
Ilan sa mga nakatulong nang malaki sa recovery ng aktres ang ilang “therapeutic activities” at ang regular na pakikipag-bonding sa kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.
“Sadly, hindi siya (mga gamot) nakatulong kasi lalo lang akong naging worse. Ang kailangan ko talaga is therapeutic activities, kailangan kong lumabas, kailangan ko ng mga taong nagfi-feed sa akin ng good aura, positivity. Kailangan ko lang makita ‘yung beauty ng nature, sobrang ganda ng nature, sobrang helpful ng view, ng breeze. Ang saya-saya ‘pag umaalis nang biglaan, ang saya,” sabi ng dalaga.
Nagbigay din siya ng payo sa lahat ng mga taong dumaranas din ng depresyon at anxiety.
“Marami rin po akong pinagdaanan na I’m sure pinagdaraanan niyo ngayon, kailangan niyo lang pagdaanan ‘yan. Walang words, walang kahit ano’ng bagay ang makakapagpa-change niyan or biglang makakapagpa-transform sa ‘yo into a matured or a better version of yourself, ikaw lang. Hanggang sa madaanan nang madaanan mo lahat ng obstacles, lahat ng struggles, doon mo makakamit ‘yung mindset, na alam mong fit sa personality mo, na alam mong makaka-help sa ‘yo to become the best version of you,” lahad ni Xyriel.