Inihayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. nitong Linggo na tagumpay umano para sa hustisya ang desisyon ng korte, na nag-utos na kanselahin ang pasaporte ng pinatalsik na kinatawan ng Negros Oriental na si Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Abalos, gumagana ang sistema ng hudikatura sa bansa.
Kung matatandaan, inilabas ni Manila Regional Trial Court Branch 51 Judge Merianthe Pacita Zuraek ang kautusan noong Huwebes.
Si Teves ay inakusahan sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo noong nakaraang taon.
Sinabi ng kampo ng Teves na gagawin nito ang lahat ng mga legal remedies upang baligtarin ang desisyon ng korte.