Inihayag ni Albay Representative Joey Salceda na malaki ang maiambag sa pagbaba sa presyo ng mga pagkain gaya ng mais, sibuyas, bigas at asukal ang naitalang 2.8 percent inflation rate para sa buwan ng January 2024.
Pero ayon sa mambabatas, hindi kasama dito ang presyo ng bigas dahil posibleng mas magstabilize aniya ang presyuhan nito sa buwan ng Mayo.
Ipinunto ni Salceda kung wala lang umanong external shocks sa global rice price ay posibleng mas mababa pa sana ang inflation rate ng Pilipinas at diin niya, kailangan nang palakasin na ang produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagpapatubig at pagtatanim ng hybrid seeds.
“The way forward is to significantly increase domestic production of rice. It is doable. We have irrigated only about a third of our arable land. We have only planted some 0.6 million hectares with hybrid seeds, out of a target 1.9 million, with a total of 4.8 million hectares for the palay sector,” saad ni Salceda.
“Completing the target hybrid acreage will improve rice self-sufficiency from 77 percent to a healthy 90 percent – making us les susceptible to global rice price shocks,” dagdag niya.
Ipinunto din ng ekonomistang mambabatas na malaking bagay din aniya ang pamumuhunan ng Department of Agriculture sa corn processing system sa pagpapababa ng presyo ng mais na nakatulong din sa pagpapababa ng presyo ng karne.
Nakatulong din ang panahon ng anihan ng mga gulay, gaya ng sibuyas para mapababa ng presyo ng mga ito.