Trending ngayon ang aktres na si Xyriel Manabat matapos nitong sagutin ang tanong kung hindi raw ba siya natakot na hindi sumikat sa muling pagbabalik showbiz.
Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na simula pa raw noong bata siya ay hindi niya ipinapasok sa kanyang sistema ang kasikatan.
“Simula nung bata ko, hindi ko po talaga pinapasok sa utak ko yung fame. Hindi ko po talaga inisip na kilala ako, mas kilala ako. Hindi ko po yun priority, ang gusto ko po umarte,” sabi ni Xyriel.
Dagdag pa niya, hindi naman daw kasikatan ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pag-aartista kundi para ipamalas ang kanyang talento sa pag-arte.
“Hindi naman po ako nag-audition nang [nag-audition para makilala]. Ang audition ko kung paano magpapicture, paano sumagot sa isang interview, paano pumunta sa isang mall show. Ang pinag-audition ko ay paano umarte,” sabi ni Xyriel.
Sa kabila kasi ng diretsang sagot nito ay makikita at mararamdaman mo na hindi lumaki ang ulo nito kahit na ilang taon na siyang parte ng industriya.
Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens ang humanga sa ipinakitang attitude ni Xyriel at sa pagmamahal nito sa larangang pinasok.
Matatandaang nagsimula si Xyriel bilang child star kung saan nakilala siya sa kanyang napakaraming proyekto sa Kapamilya network.
Ilan sa mga ito ay ang “Agua Bendita”, “100 Days To Heaven”, at “Ikaw Ay Pag-Ibig”.