Isa ang aktres na si Sue Ramirez sa mga artistang nagbigay pugay sa pumanaw na ABS-CBN Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang kanyang madamdaming menshe.
“Paalam po, Sir Deo [folded hands, white heart emojis],” panimula niya sa ipinost na IG Story. “Salamat sa pagkakataon at tiwala na ipinagkaloob niyo sa akin. Hindi po namin makakalimutan ang lahat ng iyong kabutihan at habang buhay namin ikukwento ang mga magandang alaala mo.”
“Rest in peace, Sir @deo_endrinal [emojis],” dagdag niya.
Nag-share din ng aktres ang screenshot ng maikling conversation nila ni Deo matapos niya makuha ang role bilang si “Lexy Lucero” sa drama series na “The Broken Marriage Vow.”
Mababasa na nagpaabot sa kanya ng congratulatory message si Deo at tiniyak pa niya kay Sue na nandyan lang siya para alalayan ang aktres.
Ayon sa caption ng Kapamilya star, si Deo ang dahilan na nabago ang takbo ng kanyang buhay.
“Binago po ng tiwala niyo ang buhay ko. Palagi kong hinangad na sana magkaroon ulit ng pagkakataon na makatrabaho ko po kayo,” wika niya sa IG story.
Ani pa niya, “Napakabuti niyo pong boss at tao, Sir Deo. Mamimiss po namin kayo [white heart emoji].”
Noong February 3 nang sumakabilang-buhay si Deo sa edad na 60.
Ang kanyang anak na si PJ Endrinal ang mismong nagkumpirma sa malungkot na balita.