Isang binatilyo ang nasawi matapos umanong maglaro ng “Russian Roulette” kasama ang kaniyang pinsan sa Tondo, Maynila.
Sinabi sa mga ulat na kasama ng 14-anyos na binatilyo ang kaniyang 22-anyos na pinsan habang naglalaro umano ng “Russian Roulette” sa kuwarto ng suspek at matapos ang ilang sandali ay nakarinig na ng putok ng baril.
“Nung una hindi raw ito (baril) pumuputok, pangatlo, pang-apat at saka ito pumutok at tinamaan na nga ‘yung bata sa ulo,” ani Police Captain Dennis Turla, homicide section chief ng Manila Police District.
Naisugod pa raw sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay kalaunan.
Agad namang naaresto ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag. Inaalam pa ng otoridad kung saan niya nabili ang baril.
“Inaalam namin ngayon kung may nagawa ba siyang dating mga krimen,” ani Turla.
Mahaharap ang suspek sa reklamong homicide.