Binasag na ni Bacolod City Mayor Albee Benitez ang kanyang katahimikan kaugnay sa kumakalat na balitang involved siya sa aktres at vlogger na si Ivana Alawi.
Sa isang opisyal na pahayag, inilabas ng alkalde ang kanyang saloobin.
“As for recent personal matters, I kindly request understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved,” saad ni Benitez.
Dagdag niya, bilang isa ring film at TV program producer, hindi maiiwasan na makita siyang may kasamang mga artista at kilalang personalidad.
“In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business,” sabi ni Benitez.
Sa ngayon ay ang kanyang focus ay gampanan ang kanyang responsibilidad bilang mayor ng Bacolod.
“At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City,” dagdag ng alkalde.
Kung matatandaan, naiulat ni Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog ang chikang namataan ang alkalde kasama si Ivana sa Japan at may mga nagsasabi umano na nakitang magkasama sina Mayor Albee at Ivana sa Baguio.
“Mahirap namang husgahan natin si Ivana, so dapat si Ivana rin ang sumagot niyan, kung paano niya lilinawin ‘yan, ‘no. Kung siya nga ‘yung tinutukoy. Kung hindi naman siya, please disregard previous message,” pahayag pa ni Ogie.