Binasag na ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang katahimikan kaugnay sa mga bali-balitang isyu na hiwalay na sila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.
Sa isang panayam, natanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya na palgi na lang naiisyu kung hiwalay na sila ng kanyang dyowa.
Pag-amin ni Julia, hindi niya malaman kung saan nanggagaling ang chikang hiwalay na sila ni Gerald at parang every month na lang raw ay may ganitong mga klase ng balita.
“Parang ganun ang balita, every month, for how many years na talaga. Hindi ko rin alam kung san nanggagaling but I think I’ll just take it as a compliment,” sabi ni Julia.
Dagdag pa niya, kaya compliment ay dahil nakagawa sila nfg “private bubble” nila ni Gerald kaya hindi masyadong alam ng mga tao ang nangyayari sa kanilang relasyon.
“I guess, that we’re able to create that private bubble of ours na hindi lang talaga nila alam masyado kung ano yung nangyayari sa partnership namin. I think that’s also a conscious effort on our end na talagang protektahan, na hindi kailangan mag-overshare na hindi dapat bawat galaw kailangan alam ng lahat. Siguro, that’s why they think, but happy lang,” saad ng dalaga.
Kung hindi kasi hiwalay ang chika, inuusisa naman kung kailan balak ng dalawa na mag-settle down.
Minsan nga ay sinagot na ni Julia ang mgaa nagtatanong na mas marami pang problema sa mundo kaysa ang usisain kung kailan nga ba sila magpapakasal.