Kilig na kilig ang mga Kahel, ang collective palayaw ng KyleDrea, portmanteau nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes kasi nga galawang mag-sweethearts na ang dalawa, huh!
Naging pangmalakasang trending topic sa Ekis ang KyleDreaSaBGC at kaya may ganiyan, ang matalik na magkaibigan huli on cam na namamasyal sa nasabing mall. May video kung saan makikitang sila ay nasa escalator at attentive sa isa’t-isa.
Pagbaba sa escalator, kitang-kita na si young master Kyle, yung cellphone na hawak ay ibinulsa. Ito namang si pretty young miss, inilipat ang hawak na mini-bag, para makakuyapit sa braso ni Echarri habang sila ay naglalakad.
Patungkol sa bag, may kuha ang dalawa na may mga kasama kung saan very dutiful boyfriend ang ginawa ni Kyle na nakasubkit sa kanyang balikat ang gamit nui Blythe.
May isa pang larawan na may kasama ang dalawa na seasobned gentleman at ang pagdantay ng mga braso ni Echarri kay Brillantes, ang dating super protective ito sa kanyang best friend.
May nag-kwento rin sa Ekis na madalas na may sighting ang dynamic duo sa nasabing mall at may pagkakataon pang HHWW o holding hands while walking ang mga ito. Ay! May ganiyan na ba talagang galawan? Photo resibo please!
Ang isang tunay na video resibo, sa isang event na magkasama silang dalawa, kitang-kita kung paano binabukuran ni Kyle si Blythe para hindi masaling ng mga taong nakapaligid sa kanilang dalawa. Si Andrea talaga ang prayoridad niya alagaan at proteksyunan, sa true lang.
Kaya ang kanilang mga hukbong Kahel, maliban sa kilig, buong-buo ang kanilang pananalig na best friends ang turingan nila pag in public pero sa pribado nilang espasyo, sweet hearts na ang dalawa.
Ay, Sabel! This must be young love, sweet love, indeed! Ang saya-saya, hindi ba naman, Kyle Echarri at Andrea Brilantes? Ang sigaw ng mga Kahel, mabuhay ang bagong mag-sweethearts!
***
Tiyak na bagsak ang mga panga at tulala ang mga negatron ni Liza Soberano kasi ang mga rebyu para sa kanyang pagganap sa “Liza Frankestein”, super glowing talaga.
Kung ang buong movie at kanyang cast mates eh hit at miss ang mga comentar mula sa mga kritiko, universal ang praise sa comic timing, line delivery at beauty ni Soberano.
Palakpakan na may kasamang sigawan para sa babaing may pag-asa pala talagang umariba sa Hollywood. Ang mga positibong rebyu para sa kanyang pagganap sa katauhang si Taffy, tiyak marami ang magiging mausisa kay Soberno. Siguradong may mga audition at call. Hindi rin imposible na ma-hand pick pa siya para sa isang katauhan na talagang sa pakiwari ng mga banyagang direktor at producer, eh siya lang talaga ang pwedeng magbigay buhay.
Papatulan pa ba natin ang promo paandar ni Enrique Gi na sila pa rin ni Hope? Huwag na! She carves her own path now, at sa entertainment capital of the world at that, at hindi niya kailangang banggitin si Enrique, maski ang anino nito ay pwede niyang iwaksi at ituring ang lalaki bilang nakalipas na di lang maari, kundi di na talaga dapat balikan.
Kaabang-abang ang susunod na Hollywood project ni Liza Soberano, sa true lang. At ang mga rebyu niya mula sa international film reviewer, hindi tsamba yun noh!