Isang Pilipina ang nasawi habang naiulat namang sugatan ang kaniyang mister nang bumangga sa kanilang sasakyan ang isang motorsiklo sa Las Vegas, Nevada nitong nakaraang Lunes.
Batay sa mga ulat, kinilala ang Pilipinang nasawi na si Maria Estillore na dead on the spot matapos ag aksidente habang naisugod naman sa University Medical Center ang kaniyang mister.
Nasawi rin ang motorcycle driver na si Kenny Chan na bumangga sa sasakyan ng mag-asawa.
Ayon sa Las Vegas Metropolitan Police District, pakaliwa ang sasakyan ng mag-asawang Estillore sa Spring Valley Parkway sa Rainbow Boulevard nang bumangga sa kanila ang motorsiklong sinasakyan ni Chan.
Si Maria na nasa passenger seat ng kotse ang matinding tinamaan sa aksidente.
Sa datos mula sa LVMPD, ang mag-asawa ang pang-17 at 18 nasangkot sa traffic-related incident sa Las Vegas metro ngayong 2024.