Grabe pala ang generosity ni Kathryn Bernardo.
Ito ang ibinuking ni direk Bobot Mortiz after mag-sign ng panibagong contract ni Kathryn sa ABS-CBN.
“Ang hindi ko alam na ginagawa pala ni Kathryn na natuwa ako, nakita ko ‘yung nanay ng isang ‘Bulilit’ tapos ikinuwento niya sa ‘kin nu’ng namatay ang tatay ng ‘Bulilit’ na ‘to, ang nagpaaral sa kanya, si Kathryn. Doon ko lang nalaman,” kuwneto ni direk Bobot.
“Tuwang-tuwa ako na, hindi pala siya nakalimot sa mga kasama niya. Proud na proud ako kay Kathryn,” dagdag pa niya.
Nag-promise pala si Kathryn sa tatay ng kanyang Goin bulilit batchmate na sisiguraduhin niyang makakapagtapos ito ng kolehiyo.
“During that time, the dad, naging kaibigan namin ni Mama (Min Bernardo), alam mo ‘yun, sabay kakain and then for a time nag-stop mag-artista ‘yung tao na ‘to.
“Bilang nakasama mo, siyempre tutulong ka hangga’t kaya mo. ‘Yun ‘yung promise namin ni Mama sa dad niya na tutulungan ka namin,” kuwento ni Kathryn.
Walang paghininayang si Kath sa kanyang pagtulong.
“Kasi ito ‘yung isa sa dreams ng dad niya sa kanya, na makatapos ng college because he’s so smart and alam mo rin ‘yung mga tao na masarap tulungan kasi masipag,” say pa ng dalaga.
Of course, napuri nang husto si Kathryn sa kanyang gnawing pagtulong.
“Mabait si kath matulngin yan kahit sa kabila nyan binbash pdin sya.. Pero sabi nga kapalit naman non biyaya,” say ng isang fan.
“swerte naman nakatapos ng college,” say ng isa pang supporter ng dalaga.
***
Soba ang tuwa ni Liza Soberano sa successful premiere night ng first Hollywood movie niya.
Sa kanyang Instagram account, sobra ang pasasalamat ng dalaga dahil nakasama siya sa movie.
“I’m an I.P. Intuitive person and I just know everyone is going to love this film. Right mom @carlagugino? What a special night the Lisa Frankenstein premiere was! I’m so incredibly honored to be around amazing talent and even better human beings! I’m so proud of this wonderfully bonkers film we made that was born out of love for horror/comedy and a passion for story telling,” say niya.
Ang daming pinasalamatan ni Liza.
“Words cannot even express how happy I am to be part of your vision @zeldawilliams, thank you for seeing potential in me even when I had doubts. You were the heart of this film and we couldn’t have done it without you!! Diablo, thank you for creating the masterpiece that is Lisa Frankenstein I had so much fun entering your quirky little universe. @kathrynnewton and @colesprouse killed it in this one, LITERALLY. They’re such talented artists but more importantly the best human beings on earth and deserve all the love and success! Thank you @focusfeatures for the opportunity, hope we made you proud!!” say niya.
Ipinaalala ng dalaga na showing na ang movie nila sa Pilipinas.
“Lisa Frankenstein comes out February 7 in the Philippines and February 9 in the USA. We hope everyone loves the film as much as we loved making it!!”
***
Sa pagpasok ng buwan ng pag-ibig, handa na ang iWantTFC, the home of Filipino stories, na panain ang puso ng bawat manonood hatid ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig na mapapanood ng libre.
Isang major throwback na kilig at sakit ang hatid ng mga timeless na pelikula kagaya ng “May Minamahal” (1993) nina Aga Mulach at Aiko Melendres, “Labs Kita, Okey Ka Lang?” (1998) na pinagbibidahan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, at “Don’t Give Up On Us” (2006) nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.
Mapapanood din ang mga kwentong pag-ibig na walang pinipiling kasarian, kulay, o edad sa “Boyette Not. A Girl Yet (2020),” nina Zaijian Jaranilla, Inigo Pascual at Maris Racal, to “2 Cool 2 Be Forgotten (2016),” kasama sina Khalil Ramos at Jameson Blake, at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” (2005), na pinagbibidahan ni Nathan Lopez.
Bukod dito, ibibida rin ang mga kwentong nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa tunay na pag iibigan katulad ng “That Thing Called Tadhana” (2014) na pinagbibidahan nina Angelica Pananganiban at JM de Guzman, “Luck at First Sight” (2017) na tampok sina Jericho Rosales at Bela Padilla, at ang OG 90’s barkada sa “Gimik: The Reunion” (1999).
Damhin ang saya at pait ng pag-ibig ngayong Pebrero at at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOS at Android) o website (iwanttfc.com).