Grabehan ang spekulasyon sa pagmamahalan at relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Ang mga katkaterang totoo ang unang nakapansin na may mga larawang lumabas sa social media na makikitang hindi suot ni Alonzo ang engagement ring. Ergo, ang kanilang konklusyon, may ligalig ang relasyon.
Si Roque naman na may IG post na kung saan hindi na lahat ay pwedeng makapag-comment dito, ang pangkat katkatera, ang konklusyon, hindi lang may tampuhan, hindi matutuloy ang kasalan. Para sa pangkat K, ginawa ito ni Dominic para kay Bea ang sisi at kasalanan tungkol sa kasalang hindi lang naudlot, kundi di na matutuloy.
May panayam si Bea na bumulaga sa social media kung saan tinanatanong ito kung pwedeng magbahagi ng ilang detalye tungkol sa kasalan. Nung sinabi nito na wala pang masyadong plano, ang mga matataba ang utak, pakiwari agad, doomed na ang relasyon!
Nakakahibang at nakakatawa ang mga pangmalakasang konklusyon ng mga nagmamasid sa relasyon nina Bea at Dominic. Kung makakuda at hanash ang mga ito, para bang malapit na malapit sila sa magsing-irog at pamilya nila ang dalawa.
Parang mas alam pa nila ang best para sa engaged coupling, huh!
Ang best para sa dalawa, ibigay natin kina Bea at Roque, na pag-usapan ang mga dapat pag-usapan kung meron mang dapat pag-usapan sa pribadong pamamaraan.
Kung sakali mang may gusot at salimuot ang kanilang relasyon, hindi na sila mga bata na para bang candy o tsokolate lamang ito na pwedeng iluwa. Lahat ay napapag-usapan, isip sa isip, puso sa puso.
Sa ginawa ni master Roque na gawing hindi lahat ay makakapag-comment sa mga post niya sa IG, social media page niya yun. May karapatan siya kung sino ang gusto niyang makakita nito, at kung sino ang bibigyang karapatan niya para mailahad ang reaksyon o komento sa posts niya.
Sa di pa masyadong maliwanag ang mga plano tungkol sa mga ganap sa kasalan, karapatan lalo ni binibining Bea na para sa kanila muna ang mga plano at ganap. Mangyayari ang dapat mangyari sa tamang panahon at pagkakataon.
Nung si Alonzo ay basta na lang iniwan ni Gerald Anderson at kara-karakang ipinalit rito si Julia Barretto, team Bea ang lahat.
Ngayong engaged na siya kay Dominic, ang hirap intindihin kung saan nangagaling ang pananalig na talagang hindi na matutuloy ang kasal nina Phylbert Angeli at Dominic Karl.
Ayaw niyo ba talagang maging maligya sina Bea Alonzo at Dominic Roque? Nagtatanong lang po.
***
Tinanong ang inyong lingkod kung may opinyon ba ako sa pagsali ni Joyce Cubales sa isang timpalak kagandahan.
Karapatan ng 69 year-old na ale na enjoyin at tuparin ang kanyang pangarap na makasali sa isang timpalak.
Hindi lang ako kumportable sa mga paandar at payanig na tila kinokondisyon ang publiko na dapat maka-pwesto siya sa national pageant eh hindi pa nga ginaganap ang pageant na sinalihan niya sa Quezon City.
Sa aking opinion, at naway hindi ako maakusahan ng “ageism,” ang “beauty,” ang pinaka-malaking elemento kung bakit ang isang babae ay dakila at dinadakila ang kanyang kaanyuan, kung bakit sa maalindog, humahalimuyak at may natural na pangrahuyo, ay ang kanyang “Kabataan.”
Oo, maayos ang porma, tindig, balat at mukha ni ginang Cubales. Alam mong alaga nito ang sarili at may means at resources ito para “maintained” ang kanyang youthful. Makaranasan na rin ito at matalino, at tiyak palabas sa Q & A, at maging sa swimsuit at long gown competition.
Kaya lang, pag itinabi siya sa mga kabataang kandidata na maalindog at matatalino, ang pagkakaiba ay mas malinaw pa sa pinaka-malinaw na kristal. Sa totoo lang, sa mas “bata” tayo, hindi ba naman?