Ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez ang paglabas ng P150 milyon upang maging tulong-pinansiyal ng Marcos administration para sa mga biktima ng pagbaha sa Davao region.
Bukod rito, nagtulungan rin ang Department of Social Welfare and Development at ang at ang Tingog Partylist sa pagpapadala ng 51,000 food packs sa mga apektadong lugar.
Sa pamamagitan ng Office of the Speaker at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre nagpadala din ng 21,000 food packs mula sa kanilang personal “calamity funds.”
Ayon kay Romualdez, ang nasabing hakbang ay para matiyak na ang mga kababayan natin sa Davao region na ang administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos ay handang tumulong at umalalay sa mga kababayan natin na apektado ng sakuna.
Panalangin naman ng lider ng Kamara na ligtas ang mga kababayan natin sa Davao Oriental.
Siniguro rin ni Romualdez na hindi makaka apekto ang isyung pulitika sa kanilang hangarin bigyang tulong ang mga nangangailangan at magpapatuloy sila sa kanilang trabaho at mandato.
Ang nasabing P150 million financial aid ay mangagaling sa DSWD sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Ang release ng pondo ay sa pamamagitan ng congressional districts ng mga mambabatas sa Davao at sa local government executives.
Samantala, umabot na sa 21,467 pamilya na karamihan galing sa Surigao Del Sur at Agusan Del Sur ang apektado sa iilang araw na pag-ulan na hatid sa Low pressure area o LPA.