Inaresto ang isang Filipino babysitter Alaska, USA matapos na akusahan ng pangmomolestiya sa isang menor de edad.
Nakadetine ngayon sa Anchorage Correctional Complex ang 27-anyos na Pinoy, na tubong-Pampanga, matapos siyang dakpin ng mga tauhan mula sa Police Crime Against Children Unit.
Hinikayat ng Anchorage Police Department ang iba pang posibleng nabiktima ng suspek na lumantad para makatulong sa imbestigasyon.
Sinampahan ng kasong three counts of sexual abuse of a minor ang Pinoy.
Ayon sa pulisya, anim na taon nang nagtatrabaho ang Pinoy suspect bilang childcare provider.
Dahil na rin sa tagal niya sa naturang trabaho, nangangamba ang awtoridad na baka may iba pa siyang nabiktima.
Ang CACU detectives, naniniwala na higit sa isa ang nabiktima ng suspek.