Nagpakilig ang aktres na si Janella Salvador kasama ang Thai actor na si Win Metawin sa trailer ng kanilang pinagtatambalang pelikula na may titulong “Under Parallel Skies” mula sa direksyon ni Sigrid Bernardo.
Sa trailer, naipakita ang istorya sa isang Thai bachelor na nagtungo sa Hong Kong upang hanapin ang nawawalang ina, at nakilala nga niya riyan ang isang Pinay hotelier.
Masasaksihan sa romantic film ang kwento ng pag-ibig at heartbreak ng dalawang tao.
Mababasa sa uploaded teaser na maraming fans ang kilig na kilig sa chemistry nina Janella at Win.
Kung matatandaan, si Win ay sumikat sa buong mundo matapos mag-hit ang pinagbibidahang Thai Boy Love series na “2gether: The Series” noong 2020.
Bukod diyan, naging parte rin siya ng Thai adaptation ng “Boys Over Flowers” noong 2021.
Si Janella naman ay isa sa mga kilalang aktres sa Philippine showbiz industry na naging parte ng iba’t ibang serye gaya ng “Please Be Careful With My Heart”, “Wildflower”, “The Killer Bride”, at ang latest nga niyang project ay ang “Darna” kung saan gumanap siya bilang Valentina.
Ang “Under Parallel Skies” ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na Abril.