Isang kalapati na gumugol ng walong buwan sa kustodiya ng pulisya ng India ay pinalaya matapos itong tuluyang mapawalangsala bilang isang pinaghihinalaang espiya ng Tsina.
Ang ibon ay nahuli sa isang daungan sa siyudad ng Mumbai na may “mga mensaheng nakasulat sa Intsik” sa mga pakpak nito, ayon sa ulat ng pahayagang Times of India.
“Sa una, ang pulisya ay nagsampa ng isang kaso ng pag-espiya laban sa ibon, ngunit pagkatapos makumpleto ang kanilang imbestigasyon, ibinasura nila ang kaso,” dagdag ng ulat.
Ang ibon ay naka-hawla sa isang ospital sa lungsod habang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya.
Ang pagsisiyasat na iyon ay tumagal ng “kamangha-manghang walong buwan,” sinabi ng tanggapan ng People for the Ethical Treatment of Animals sa isang pahayag noong Huwebes.
Sinabi ng PETA sa India na nagbigay ang pulisya ng “pormal na pahintulot para sa ospital na palayain ang kalapati” noong Miyerkules.
Ang mga ulat ng lokal na media ay nagsabi na ang ibon ay lumipad na nasa mabuting kalusugan.