Inamin ng aktres na si Cristine Reyes na finally ay annulled na ang kasal niya sa dating asawa na si Ali Khatibi.
Sa isang panayam, sinabi ni Cristine na higit isang taon nang annulled ang kasal niya sa dating asawa.
“Yes po, Tito Boy. Matagal na po. More than year na po,” sabi ni Cristine.
Natanong rin ang aktres sa panayam kung may plano nang magpakasal si Cristine sa nobyo niyang si Marco Gumabao gayong hindi niya alam kung annulled na ang aktres sa dating asawa.
“Hindi ko naman siya in-announce, e. It’s not something I should celebrate,” sabi ni Cristine.
Si Ali Khatibi ang kanyang dating asawa at ama ng kanyang anak na si Amarah.
Ikinasal sina Christine at Ali sa Balesin Island noong January 27, 2016 at makalipas ang dalawang taon ay lumabas ang balitang hiwalay na sila.