Isang lalaki na kalalaya lamang umano nitong Oktubre ng ang balik kalaboso dahil umano sa pagpapatakbo umano ng drug den sa Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City.
Batay sa mga ulat, sinabing sinalakay ng mga operatiba ng Fort Bonifacio substation 1 ang bahay ng suspek na si Joey Tabada sa bisa ng search warrant at sa paghahalughog ng pulisya sa bahay ng suspek, nakita nila ang isang pouch na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Dahil dito, agad nilang dinakip si Tabada.
Ayon sa pulisya, pangatlong beses nang dinakip ang suspek sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
May mga pumupunta umano sa bahay ni Tabada para roon gumamit sa halagang P20 hanggang P50.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan para matunton ang source ni Tabada at iba pa niyang kasamahan.