Binitay sa China kahapon ang isang mag-asawa dahil sa pagtatapon nila ng dalawang maliliit na bata sa bintana ng isang apartment building na ikinamatay ng mga paslit.
Sina Zhang Bo at Ye Chengchen ay dating napatunayang responsable sa pagkahulog ng dalawang taong gulang na batang babae at isang taong gulang na batang lalaki mula sa ika-15 palapag ng isang condominium sa Chongqing sa timog-kanluran ng China.
Nangyari ang karumal-dumal na krimen nang si Zhang, ang ama ng dalawang nasawi, ay nakipagrelasyon kay Ye, na sa simula ay hindi alam na kasal at may mga anak ang lalaki.
Pagkatapos ay hinimok ni Ye si Zhang na patayin ang kanyang dalawang anak, na itinuring niyang hadlang sa kanilang pagpapakasal at isang pasanin sa kanilang hinaharap na buhay magkasama, sinabi ng korte ng Chongqing No. 5.
Noong Nobyembre 2020, itinapon ni Zhang ang kanyang mga anak sa bintana ng apartment nang wala ang kanilang ina, na sumang-ayon na maghiwalayan.
Parehong napatunayang nagkasala ng pagsasabwatan “na patayin ang kanyang anak na babae at nakababatang anak na lalaki” ngunit sinabing aksidente silang nahulog mula sa ika-15 palapag ng kanyang apartment building, ayon sa ulat ng China Daily.
Ang mag-asawa ay hinatulan ng kamatayan noong Disyembre 2021 at binitay kahapon, sinabi ng korte.
Ang krimen nina Zhang at Ye ay gumulantang sa buong China dahil sa kabataan ng mga biktima.