Nagpahayag ng pangamba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyayaring humanitarian crisis sa Gaza at maging sa ilang bahagi ng Middle East.
”We are very much concerned about the growing humanitarian crisis now in Gaza and in the rest of the Middle East. It is important that the UN continues to play a role in addressing the situation,” sabi ni Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagsuporta sa United Nations upang makapaghatid ng humanitarian assistance at supplies sa mga Palestinian civilians na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Gaza.
”We also continue to support UN peacekeeping missions in the region,” sabi pa ng Pangulo. ”And so we urge all parties to exert restraint to prevent the escalation of the conflict and that the Philippines supports the immediate ceasefire in Gaza seeing as we have over 2 million Filipino Nationals in the region.”
Nitong nakaraan, nanawagan ang Popular Front for the Liberation of Palestine at ang Hamas na dapat ay itigil na ng Israel ang opensiba nito sa Gaza.