Isang lalaki ang namatay matapos umanong pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Tiaong, Quezon.
Batay sa paunang imbestigasyon, sinabing pauwi ang biktima sa Tiaong, Quezon at galing umano ito sa Batangas kung saan caretaker ito sa isang sabungan.
Ayon sa pulisya, dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo ang malapitang bumaril sa biktima at matapos nito ay mabilis na tumakas ang mga salarin matapos maisagawa ang krimen.
“Based sa witness namin, parang magkakasama din sila sa sabungan. Pero ‘yon ‘yung tinitingnan natin na baka inabangan o inuhan or sinundan after nilang magsabong,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Daniel Camposo, hepe ng Tiaong Police Station.
Personal na away ang isa sa tinitingnan ng mga awtoridad na motibo sa krimen dahil mayroon umanong pagkakautang ang biktima na hindi nababayaran sa sabungan.
Mayroon na rin umanong person of interest ang pulisya sa krimen.