Super bwisit ang mga madlang pipol, ewan ko na rin kung ganun rin ang sentimyento ng mga dabarkad at kapatid, sa orihinal na kasapi sa The Hunks, ang mahusay na si Jericho Rosales.
Unang pumutok sa Ekis, bilang bulag na chika ang hiwalayan nila ni Kim Jones. Nahulaan agad kung sino ang personahe sa bulag na paandar, naka-1.5 million views pa nga ito.
Nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ang Eat Bulaga’s Mr. Pogi 1996 patungkol rito at mariin ang kanyang pagtanggi na best in English pa man din patungkol. Ang drama ni Echo, happy, amazing at fantastic ang kanyang life.
Matapos nito, makailang linggo, may mga sweet IG palitan pa sila ng mga mensahe ni Jones para patunayan sa lahat na sila ay magkasama pa rin, at lalong matatag ang relasyon nila bilang magkabiyak.
Ang naging sunod na kabanta, ang opisyal nilang tagpaghayag, walang halong pag-iimbot at buong katapatang inilahad na limang taon na palang hiwalay ang dekolor at puti nila ni Kim.
Dahil sa panlinlinlang na ito ni Jericho, marami ang dismayado sa award winning aktor. Nakakawala pa ng simpatiya sa dating mag-asawa sa dramaramang kahit sila ay “magkahiwalay”, napanatili nila ang pagiging magkaibigan na may respeto at sinusuportahan ang mga ambisyon at pangarap ng isa’t-isa.
May film project nga itong si Kim na si Rosales pa ang producer, ayon iyan sa kanilang taga-pagpahayag.
Mag-asawang ikinasal na nauwi sa hiwalayan, mananalig ba tayo na ganun sila ka emotionally intelligent at sophisticated at walang drama ang kanilang pagtuldok sa kanilang romansahan at pagmamahalan? Naku, naku, naku…. look na lang tayong lahat sa sky, na may kasamang pag-ismid at itanong natin sa buwan o kaya kay Zaido at sa mga Pulis Pangkalawakan.
Dahil matapos ang limang taon sa sinambulat ang katotohanan, naway nasa mabuting kalagayan si ginoong Rosales at ang hapdi at kirot ng kaniyang hiwalayan, ay magamit niyang pwersa sa kanyang mga paparating pang proyekto.
Ngayon, ang wish ko lang nating lahat, na magkapelikula sila ni Love Marie Ongpauco-Escudero na mas tanyag sa atin bilang si Heart Evagelista, na bukas na aklat na “the one who got away” ni Jericho.
May mga public sightings na sila na dokumentado sa social media at ang kilig at chemistry, andun pa rin.
Sa totoo lang, dapat mala-“Broken Marriage” nina Vilma Santos at Christopher de Leon, o “Falling In Love” na ang bida ay sina Robert De Niro at Meryl Streep ang it’s all coming back to me now na pelikula nina Echo at Hearty, sa true lang.
At Jericho Rosales, naway sa mga sumusunod na araw, pag tinanong ka tungkol sa inyong hiwalayan, ngayong literal na “the cat is out of the bag”, magpakatotoo na at huwag na manlinlang.
Huwag mong gamitin ang lame excuse na ang hiwalayan niyo ay pribadong pangyayari dahil nga celebrity ka, ang katotohanan at pawang katotohanan lamang, ay dapat mong ibahagi sa mga nanalig at sumusuporta sa iyo.
***
Lahat ng mga pelikulang Pilipino na ipinalabas sa mga sinehan pagkatos ng taunang pestibal tuwing Disyembre, mahina sa takilya.
Inantok ang mangilan-ngilang nanood sa “GG:The Movie” na ang bida ay si Donny Pangilinan. Dahil sa mahina ito sa takilya, hindi pa in full bloom ang “a star is born” moment ni young master Pangilinan.
Kaya nakadalawang linggo sa mga sine ang “Road Trip” na bida sina Janice at Gelli de Belen, kasama ang mga friends for real nilang sina Carmina Villaroel at Candy Pangilinan, ay dahil sa wala pang bagong pelikulang pwedeng isalang. Maayos ang mga rebyu sa pelikula pero sadyang mas marami ang walang panahon at pakialam dito.
Sa takdang panahon at oras, magkaka-alaman rin kung may lakas talaga ang most powerful woman na si Toni Gonzaga-Soriano at kung may nanalig ba sa talento ni Pepe Herrera. Ngayong araw, itatanghal sa mga sine ang kanilang “My Sassy Girl.”
Pag ito ay nag-first day, last day, alam na alam, cancelled na talaga ang estrella ni Mrs. Celestine Soriano at damay pa sa malas si ginoong Herrera.