Kalaboso ang bagsak ng isang lalaking dating sundalo umano matapos mahulihan umano ng iba’t ibang uri ng armas sa Muntinlupa City.
Batay sa mga ulat, isang buwan na surveillance ang isinagawa ng mga otoridad bago ito hainan ng search warrant na naging sanhi ng pagka-aresto nito.
Ayon pa sa pulisya, hindi muna nila papangalanan ang suspek dahil may follow-up operations pa silang ikakasa.
Kabilang sa mga nakuha sa bahay ng suspek ay caliber 22 na handgun, shotgun at caliber 22 na rifle at batay sa imbestigasyon, binibenta ng suspek ang mga armas at posibleng ginagamit din umano sa krimen.
“During the process of investigation, he admitted na ito ay mga firearms na nasa possession niya talaga and it is noteworthy also na during the interview conducted, nasabi niya na itong firearms na ito ay binibenta niya sa kaniyang close friends,” saad ni Police Colonel Angel Garcillano, hepe ng Muntinlupa Police.