Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong Lunes na hindi umano napasama kailanman ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. taliwas sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa PDEA, ni minsan ay hindi umano nailagay ang pangalan ni Marcos sa drug watch list nito at pinabulaanan ang inihayag ni Duterte na mayroon umanong ipinakita sa kanyang dokumento ang ahensya noong mayor pa si Duterte sa Davao City.
Dagdag pa nito, naging alkalde ng Davao City si Duterte noong 1988 hanggang 1998, mula 2001 hanggang 2010, at mula 2013 hanggang 2016 kung saan nilinaw ng PDEA na naitatag lamang ang ahensya noong July 30, 2022.
Nang maging aktibo ang PDEA, sinabi sa pahayag na binuo rin ang National Drug Information System.
“The NDIS is the intelligence database of all drug personalities, gathering inputs from counterparts in both law enforcement and intelligence agencies. Pursuant to its mandate under Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, PDEA regularly conducts intelligence workshops in collaboration with other law enforcement agencies to update the NDIS,” ayon sa PDEA.
“From its inception in 2002 and up to the present, President Ferdinand R Marcos Jr. was never in our NDIS,” paglilinaw ng PDEA.
Ayon pa ahensiya, wala rin ang pangalan ni Marcos sa narco list noong panahon ng panunungkulan ni Duterte bilang pangulo.
“It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list’, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency Drug Information Database or IDID. The name of President Marcos is also not in the said list,” paliwanag ng PDEA.
“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos, Jr is not and was never in its watch list,” dagdag nito.
Kung matatandaan, sinabi ni Duterte ang pahayag na nais umanong magtagal sa kapangyarihan ng mga Marcos sa isang pagtitipon kontra sa People’s Initiative na paraan ng Charter change sa Davao City nitong Linggo.
Inihayag rin umano ng dating Pangulo na “bangag” si Marcos.
“Nung ako mayor, pinakitaan ako ng evidence ng PDEA. Doon sa listahan, nandoon yung pangalan mo,” saad ni Duterte sa naturang pahayag. “Ayaw kong sabihin ‘yan kasi magkaibigan tayo. Kung ‘di man magkaibigan, magkakilala. Eh ikaw eh, pumapasok kayo nang alanganin.”
“Mr. President, baka susunod ka sa dinaanan ng tatay mo. Diyan ako takot. Ayaw ko mangyari sa iyo ‘yan. Ako lang nagmamakaawa kasi it will divide the nation at madugo itong panahong ito,” dagdag pa ng dating Pangulo.