May halong pagbabanta ang latest aria ni Aling Lolit Solis kay Kyline Alcantara sa kanyang Instagram account.
“Salve uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy. Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo ? I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka. Lagi ko ina appreciate na after a long time ng manager/ talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala kang narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin. In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na maintain namin iyon respeto namin sa bawat isa. For that I am very grateful. Kaya shock ako na sa break up nila Kyline at Mavy may mga kadamay na pangalan na binabanggit,” say ni Aling Lolit.
“I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan. So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya. Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente. Salve at Gorgy, iyan ang stand ko, bongga di bah,” dagdag pa niya.
Na-bash naman nang husto ang gurang na talent manager.
“Matandang wlang pinagkatandaan.”
“Kyline is talented and good in acting Nd dancing. Yang pananakot mo Lolit walang magagawa yan.”
“naku po lolit,may sakit kna nga ganyan pa ugali mo,need mong ipag dasal ang kagalingan mo,alam mo ba ang pag dadailysis ay habang buhay,till bumigay na ang katawang lupa mo,kya habang may time ka pa,nag balik loob kna sa Diyos.”
Ang sa amin naman, bakit hindi niya alamin kung bakit sinabi ni Kyline na bad influence si Paolo kay Mavy. Magbibtaw ba siya ng ganoong salita kung wala siyang ebidensiya.
Ang maganda, magharap si Aling Lolit at Kyline nang magkaalaman na.
Pero ang the best ay magsalita na si Kyline publicly para malaman ng tao kung bakit bad influence si Paolo kay Mavy.
***
Nasungkit ng event singer mula sa Caloocan na si Rea Gen Villareal ang pinakamimithing titulo bilang bagong kampeon ng longest-running singing competition sa bansa na “Tawag ng Tanghalan” sa ‘Huling Tapatan’ nito ngayong araw matapos ang ika-apat na subok sa nakaraang seasons.
“Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kasi hindi ko rin ineexpect na mananalo ako dahil ilang beses na rin akong natalo. Sa ika-apat kong balik ayun nanalo na po ako bilang grand champion,” saad ni Rea Gen matapos niyang itinanghal na bagong kampeon ng “TNT.”
Dagdag niya na dahil sa suporta at kumpiyansa ng kanyang pamilya at kaibigan kaya naman hindi siya sumuko at pinagpatuloy niya ang kanyang pangarap.
Unang round pa lang ay pinabilib agad ni Rea Gen ang hurados ng nagpasiklab siya sa pagperform ng medley ng kanta ng The Company. Nanguna nga siya sa first round at ipinagpatuloy ang kanyang magandang simula sa pagkanta naman ng awitin ng Eraserheads na “Ang Huling El Bimbo” kaya naman nakamit niya ang highest combined average score na 97.4% mula sa hurados. Tinalo nga niya sina Eunice Encarnada na may 92.9% at ang Hurado’s choice si Vensor Domasig na nakakuha ng 88.6%.