Aminado ang aktres na si Sarah Lahbati na wala siyang pakialam kung mabansagan man siya na bilang “Waldas Queen” at ayon sa kanya ay “unbothered” siya sa patuloy na pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga netizens na nagsimula nang magkahiwalay sila ni Richard Gutierrez.
Natawa na lamang ito sa mga nababasa at naririnig niyang comments tungkol sa umano’y pagwawaldas niya ng pera at paggastos niya nang bonggang-bongga nitong mga nagdaang araw
May sinabi pa nga siya sa isang report tungkol sa bansag sa kanya bilang “Waldas Queen” at “Patron Saint Of Waldas”. Hirit daw ni Sarah, “For Once Not Fake News.”
Pinagtatawanan na lang daw ng aktres ang mga ganitong hate messages sa social media dahil alam naman daw niya ang totoo pagdating sa pag-handle niya ng kanyang finances.
“I think it’s funny. Yeah, it’s just something I laugh about. I don’t take anything seriously. That’s another secret to be happy. If not, I will be going crazy. It’s just a funny, funny thing that’s been going around,” saad ni Sarah.
“To everyone who wants to ‘Waldas,’ go ahead. Amen!” dagdag pa niya.
Nagsimula ang isyu tungkol sa pagwawaldas daw ng pera ni Sarah nang ibuking ni Annabelle Rama na gastos daw nang gastos ang aktres habang nagpapakamatay sa pagtatrabaho ang kanyang anak na si Richard Gutierrez.
“Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam bakit nagkaroon ng gulo. Mag-antay na lang kayo kasi malalaman n’yo rin. Not now,” sabi ng ina ni Richard.