Hinamon ng Ukraine ang Russia na ilabas ang mga bangkay ng 65 tropang bihag na sinasabi nilang nasawi nang bumagsak ang eroplanong naghahatid sa kanila para maipalit sa mga Rusong POW na hawak ng Kyiv.
Pinaratangan ng Moscow na mga pwersa ng Kyiv ang tumira ng missile sa eruplano kaya ito bumagsak nitong Miyerkules malapit sa hangganan ng dalawang bansa.
“Walang mga bangkay. Walang anuman,” sabi ni Kyrylo Budanov, pinuno ng ahensyang paniktik ng militar ng Ukraine, sa isang pakikipanayam sa TV ng estado.
Idinagdag ni Budanov na ang Moscow “ay hindi nagpakita ng mga mga bangkay at mga lab isa pinagbagsakan ng Ilyushin-76 military transport plane.
“Kung nangyari ito, bakit patuloy na itinatago ng Russia ang mga katawan?” tanong ni Budanov.
Ang mga imbestigador ng Russia ay naglathala ng tatlong video kaugnay sa insidente.
Ang isang video ay nagpakita ng malabong close-up ng isang patay na katawan. Sa isa pa, ang isang forensics team ay nagsasara ng isang body bag.
Ang pangatlo ay ang footage na nagpapakita ng mga sasakyang naghahatid sa mga bilanggo sa eroplano bago ito lumipad, ngunit ang kalidad ay masyadong mahina upang maberipika ito.
Kinumpirma ng Kyiv na ang palitan ng bilanggo ay magaganap sa parehong araw at hindi tahasang itinanggi ang pagbaril sa eroplano.
Ngunit sinabi nito na hindi humiling ang Moscow ng isang pansamantalang tigil-putukan sa himpapawid malapit sa hangganan, tulad ng dati gawi kapag ang mga POW ay inililipad sa isang naka-iskedyul na palitan.
Sinabi ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin noong Biyernes na alam ni Budanov na ang mga bilanggo ay ililipat sa pamamagitan ng eroplano.
Sinabi rin niya na alam ng mga pwersang Ukrainian na sakay ng eruplano ang kanilang mga katropa ngunit tinira pa rin nila ito.
Hindi pa binalangkas ng Kyiv ang bersyon nito ng mga kaganapan, bagaman ang Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ay nanawagan para sa isang internasyonal na imbestigasyon, at ang magkabilang panig ay nagbukas ng kani-kanilang kriminal na pagsisiyasat.