Isang basurero sa China ang mistulang inulan ng suwerte nang makadiskubre siya ng mga perang papel na nakaipit sa mga spring ng lumang kutson na kaniyang napulot.
Batay sa mga ulat, sinabing nasorpresa ang isang lalaki sa Wuzhou, China na pamumulot ng basura ang ikinabubuhay, nang buksan niya ang lumang kutson na nakita niya sa gilid ng kalsada.
Tila mga piraso ng basurang papel ang nakaipit sa mga spring ng kutson na mga tig-P100 Chinese yuan pala, na ang katumbas na halaga ng bawat isang piraso ay P800.
Hindi naman binanggit sa ulat kung magkano ang kabuuang halaga na nakalagay sa loob ng kutson na nakita ng basurero pero malaking tulong iyon sa kaniya.