Dinaluhan ng ilang-daang katao ang “Bagong Pilipinas” kick off rally nitong Linggo sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Linggo kung saan naroon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Dumating si VP Sara bago mag-alas kuwatro ng hapon nitong Linggo kung saan ibinagi niya na ang kanyang tanggapan at ang Department of Education na siya ring namumuno ay sumusuporta sa 8-point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration.
Sinabi rin ni Duterte na suportado rin niya ang isang prayer rally in Davao City na tumututol sa Charter change.
“Mahalagang makita at maintindihan natin ang panganib na nakaamba sa atin oras na tuluyan nating isinuko ang ating Saligang Batas sa kamay ng mga taong may personal at politikal na interes,” saad ni Duterte.
“Manindigan tayo laban sa pagbabago sa ating Saligang Batas sa pamamagitan ng ‘Pera kapalit ng pirma para sa People’s Initiative,’” dagdag niya.
Samantala, nanawagan naman si House Speaker Martin Romualdez na suportahan ang “Bagong Pilipinas” program ng Pangulo.
“This event marks the beginning of a transformative journey toward a better Philippines, not just for us but, more importantly, for our children,” sabi ni Romualdez sa isang pahayag. “Unity has always been the bedrock of any successful endeavor, and in the pursuit of a better future for our country, it becomes even more crucial.”
“The Bagong Pilipinas campaign is a call for unity, a rallying cry for every Filipino to come together, transcending differences and working hand in hand for a brighter and more prosperous tomorrow,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ng House Speaker na mahalaga umano ang suporta ng mga mamamayan upang maitaguyod ang mga mithiin na kailangang makamit sa tulong ng “Bagong Pilipinas” campaign.
“Each personal commitment to positive change is a vital building block for the collective progress of our nation,” sabi ni Romualdez.
“Various government officials, celebrities and notable personalities are expected to grace the kick-off rally. Their presence reflects a shared commitment to the cause of nation-building, emphasizing that this is a collective effort that involves every sector of our society,” dagdag niya.