Good vibes ang hatid at may kasama pang maigting na palakpakan na may kasamang sigawan ang kompirmadong balita na si Aga Muhlach, kasama ang kaniyang kabiyak na si Charlene Gonzales-Muhlach, at ang dear wonder twins nilang Atasha at Andres ay sasabak sa isang sitcom na itatanghal sa TV 5.
Ngayong linggo magaganap ang story conference para sa sitcom kaya abangan nating lahat ang pamagat, kwento, at kung sino pa ang ibang artista na makakasama rito.
Dalawang sitcoms na pinagbidahan na ni Kuya Morning ay klasiko na ang turing, ang “Hapi House” na ipinalabas dati sa IBC 13 at ang “Oki Doki Dok”, na sa ABSCBN 2 dati umeere. Binata pa si Ariel nung ang mga palatuntunang ito ay namayagpag sa free TV.
Positibo ang reaksyon ng mga netizen, pati na rin ang dabarkads, kapatid at madlang pipol sa paparating na sitcome. Casting coup talaga ito lalo na ngat isa sa mga showbiz royal pamilya sina Aga.
Si Atasha, na isa sa mga bagong host sa “Eat Bulaga”, marami ang lugod na lugod sa dalaga dahil biba ito, hindi nag-iinarte, simple at eleganteng manumit, at may gandang tunay na nakaka-rahuyo.
Kay Andres naman, alam na alam na ang buong sangkababaihan at sangkabekihan ay hindi maitago ang excitement sa kanyang pag-pasok sa showbiz. Talaga naman kasing tall, tisoy at magandang lalaki ito, mapagkumbaba ang dating na para bang hindi niya alam na siya ay heartthrob.
Hiningi pa ni Aga ang permiso sa kanyang mga anak tungkol sa sitcom at nung ibinigay nina Atasha at Andres ang pag-sang ayon, siempre pa super happy ang mag-asawang Muhlach.
Kaabang-abang na showbiz kaganapan talaga ang Muhlachs sa isang sitcom sa telebisyon, hindi ba naman?
Mas may golpe de gulat pa ito at relevance ang bagong sitcom kesa pelikula paparating ni Aga Muhlach na ang leading lady hindi sinipot ang press conference nito, huh! Soya ang bida-bidang babae tapos no show?!
Naku, naku, maku…pakibaybay na lang ang labagsa budhi ang propesyon!
***
Dahil nga sa pangyayaring ito, ang ibang showbiz royals, naway sundan ang yapak ng mga Muhlach para naman talaga glossy at exciting ang mapapanood sa free TV.
Marami ang nanalig na sina KC Concepcion at ama nitong si Gabby Concepcion, bagay sa isang travel, na may sining at kultura sangkap, at may cooking segment ang mag-ama,
Bukas na aklat naman kasi na sina Kristina at Papa Gabriel niya ay mahilig sa beach, pumunta sa magagandang lugar at ang makikita silang nagluluto, at nagtatanungan at nag-uusap, tiyak patok na patok panoorin.
Panalo rin kung si Luis Manzano at ang mommy Vilma Santos-Recto niya ay magsama sa isang musical variety show, kung saan may pa-kwelang dance routines ang mag-nanay at sa show nila, pawang mga PPop at OPM artist, mga bago at seasoned na mang-aawit at dancers ang mapapanood.
Para kina Nora Aunor at Ian de Leon, isang ispesyal na drama anthology na sila ang magbibida, o kaya, ang National Artist for Film and Broadcast Arts ang magiging direktor, kung saan ang pangunahing bida sa nasabing drama special ay si Ian, na anak nila ni orihinal drama king Christopher de Leon.
Marami pang showbiz royals ang hindi ko naisama. Para sa inyo, mga Ka-Tirada, sino pa ang dapat mabigyan ng pagkakataon na magkasama sa isang programa sa telebisyon o sa pelikula?