Ang magpinsang Olsen Racela at Yuri Escueta ay nakatakdang magharap sa National Collegiate Athletics Association Season 100 men’s basketball tournament ngayong taon.
Magpinsan ang dalawa dahil magkapatid ang ina ni Racela at ang ama ni Escueta.
Bagong head coach ng University of Perpetual Help System DALTA si Racela samantalang head coach naman ng San Beda University si Escueta.
Pinalitan ni Racela si Myk Saguiguit habang si Escueta noong nakaraang Disyembre ay pinangunahan ang Red Lions na makuhang muli ang korona na huliung napanalunan nila noon pang 2018.
“Actually ang excited [ay] parents namin,” sabi ni Racela sa GMA News Online.
Hindi na bago para kay Racela ang pakikipaglaban sa isang miyembro ng pamilya sa court dahil nakaharap din niya ang kanyang kapatid na si Nash, ang head coach ng Adamson University, noong hinahawakan pa siya ang Far Eastern University sa Universities Athletics Association of the Philippines men’s basketball.
Gayunpaman, inaasahan ni Racela na makita ang kanyang pinsan sa korte.
“Maganda, galing sa UAAP, kalaban ko kapatid ko. Ngayon pinsan naman.”
Samantala, si Escueta ay may magagandang salita lamang para kay Racela.
“Good hire for Perpetual,” sabi ng champion coach. “Having Coach Olsen with them is gonna be good in terms of basketball teachings, and in terms of building culture katulad nung sa (like in) FEU.”
Inihayag din ng San Beda coach na tinanong siya ni Racela tungkol sa performance ng ALTAs bago tinanggap ang coaching gig.
Halos hindi nakapasok ang Perpetual sa Final Four sa Season 99 at nagtapos na may 10 panalo at walong talo.