Isang modelong ipinanganak sa Ukraine imbes na isang Haponesa ang nanalo sa patimpalak sa pagandahan na Miss Japan nitong Lunes.
Sa pagkapanalo ng 26 anyos na si Karolina Shiino sa beauty pageant, pumutok ang debate sa kultural na pagkakakilanlan ng bansang Hapon.
Ang pagpili ng mga hurado sa contestant na may lahing Europyano ay nagtaas ng mga tanong tungkol sa mga pamantayan sa kagandahan at kung ano ang ibig sabihin ng kagandahang Haponesa.
“Nais kong makilala bilang isang Haponesa,” sinabi ni Shiino, isang naturalized citizen na nanirahan sa Nagoya mula noong siya ay 5 taong gulang at matatas magsalita ng Nihonggo, pag-uulat ng CNN sa Tokyo.
Sinabi ni Shiino na nahirapan siyang tanggapin bilang isang lokal dahil sa kanyang hitsura, at umaasa na ang kanyang panalo ay magbabago ng isip tungkol sa kung sino ang maaaring ituring na Hapones.
“Palagi akong sinabihan na hindi ako Haponesa, ngunit ako ay ganap na Haponesa, kaya pumasok ako sa Miss Japan na tunay na naniniwala sa aking sarili. Tuwang-tuwa ako na nakilala ako ng ganito,” pahayag ni Shiino.
“Si Karolina ay Haponesa ayon sa nasyonalidad, kaya walang mali sa (kanyang tagumpay),” isinulat ng isang komentarista sa X.