Inihayag ng Land Transportation Office na humahanap na sila ng solusyon sa problema na may kaugnayan sa kakulangan sa plastic cards para sa driver’s license.
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, may iba pa umano silang paraan upang makakuha ng supply ng plastic cards at ang isang tinitingnan ay ang pagbili sa ibang ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa niya, minamadali na rin ng mga abogado ng Office of Solicitor General na magkaroon na ng resolusyon ang Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa ipinalabas nitong Writ of Preliminary Injunction sa suplay ng driver’s license cards.
Samantala, iginiit rin ng LTO na kailangan na magkaroon ng malinaw na panuntunan sa donasyon ng Land Transportation para matiyak ang transparency nito sa gitna ng pagpigil niya sa donasyong apat na milyong plastic cards ng isang medical clinic.
Ayon kay Mendoza, legal at wala namang problema ang donasyon ng Philippine Society of Medicine for Drivers at nabigyan na umano ang LTO ng ng go signal mula sa office of the Solicitor General para tanggapin ng ahensya ang donasyon.
Dagdag pa ng opisyal, hindi ang ahensya at ibang ahensya na lamang ang gagawa ng panuntunan para sa naturang donasyon.