Isang lalaki ang nasawi matapos itong matuklaw ng isang cobra habang umiihi umano sa labas ng kanilang bahay.
Kinilala ang biktima na si JR Bungay na nadala pa sa ospital matapos itong matuklaw pero namatay din siya kinalaunan.
Matapos ilibing si JR ay tumawag ng snake rescuer ang kaniyang pamilya. Nahuli nila ang cobra na limang talampakan ang haba. Isinilid ang ahas sa sako at pinatay.
Sabi ng Provincial Environment and Natural Resources Office, labag sa batas ang pagpatay sa wildlife animals maliban lang kung nalagay sa alanganing sitwasyon ang nasa paligid nito.
Paalala ng PENRO, hangga’t maaari kapag nakahuli ng ahas ay i-surrender ito sa kanilang tanggapan.