Aminado ang aktres na si Kim Chiu na hindi naman niya tuluyang isinasara ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig after ng breakup nila ni Xian Lim higit isang buwan mula nang aminin niya sa publiko na naghiwalay na sila ng dati niyang boyfriend.
Ayon sa dalaga, hindi naman daw siya na-trauma sa pakikipagrelasyon pero kung siya ang tatanungin, ayaw na muna niyang pumasok sa panibagong relasyon sa ngayon at mas nais raw niyang ituon ang kanyang atensiyon at panahon sa pagtatrabaho lalo pa’t sunud-sunod ang projects niya ngayon sa ABS-CBN.
“Hinahanap ko si The One. Charot! Hinahanap ko siya pero ‘wag muna ngayon kasi busy ako. Soon. Siguro mag-merienda muna siya! Hindi naman! Let’s take it day by day and enjoy. Live for the moment and just chill and have fun,” saad ni Kim.
Nagkuwento rin siya tungkol sa pagbabakasyon niya sa Amerika kasama ang kaibigang si Bela Padilla at ang pag-attend nila sa kasal ng BFF nilang si Angelica Panganiban.
“Sobrang maga mata namin ni Bela. Iyak talaga kami. Super deserve kasi niya (Angelica) talaga makahanap ng forever at that is Gregg (Homan). Yung wedding nga nila sa US, intimate lang, family and chosen friends! Hindi talaga kami in-invite, pinilit lang namin. Hindi kami papayag na ikakasal ka magpapalit kami ng apelyido tapos wala kami so pinilit namin talaga pumunta kami,” pahayag pa ni Kim.